Jamon Chan

The ChanRobles™ Virtual Law Library™ contains full text of Philippine laws, statutes and codes, Supreme Court decisions, foreign constitutions and laws as well as thousands of links to worldwide Internet legal resources as well as general Internet guides, search tools and other sites of interest which you may find useful for legal, government, business and educational research.

ANC Leadership Forum

Grabe! mga 5pm o 5:30 pa lang ata nasa Leong Hall na kami para sa Forum na gagawin nang 7pm. Gusto ko sana na isa ako sa 1st 100 na makapunta sa registration para makakuha ako ng free bag pero noong nakita ko yung bag, natuwa ako na ‘di kanaisnais tingnan yung bag… HAHAHA! :))

Pagpasok ko ng auditorium, buti nakahanap kaagad ako ng upuan kasi ang bilis mapuno ng auditorium. Habang naghihintay pumasok sina Ricky Carandang (kamag-anak na hindi magkakilala :)) ) at Tina Monsod Palma. Bigla ba namang pinakita sa projector si Andrew E. na nanalo ng P1,000,000.00 so bigla kaming nagpalakpakan. Ang benta lang kasi parang sobrang involved kami sa pinakita. :))

Pagsapit ng 7pm, nagsimula na ang mismong forum. Ang mga nakapunta na presidentiables ay sina Senator Chiz Escudero, Senator Dick Gordon, Senator Mar Roxas, Governor “Among Ed” Panlilio, at si Secretary Gilbert Teodoro. Natatawa ako sa kanila kasi anlakas nilang magparinig na halatang nagbibiro lang sila. Nakakaaliw kasi walang napikon sa kanila. :))

Biglang lumipad ang utak ko noong si Senator Mar Roxas na yung iniinterview. Sa paghaharaya ko bigla kong inisip na pagkasabi ni Mar sa bata sa kanyang advertisement ng “Anak, itabi mo na,” sinundan niya ng “ihatid mo ako sa Ateneo dun sa Leong hall”. Aba, biro mo nabigyan niya ng trabaho ang bata! Naging driver pa yung bata. HAHAHA! :))

Pero ayun. Lahat naman sila magaling sumagot at may nilalaman ang kanilang pinagsasabi. Napakarami ring biro na nabanggit at isusulat ko rito ang mga naaalala ko. :))

*shift to English mode*

When asked what the GMA Administration has done for the Philippines, some of the presidentiables gave insteresting and funny answers.

1. CHIZ: *sits back* “Pakisabi na lang kung tapos na yung 2 minutes ko.”

CHIZ: “Ginising niya ang Pilipino. Minulat niya ang Pilipino. Ginalit niya ang Pilipino”

2. Among Ed: “Wala akong maisip eh. Sorry ha? Hahahaha! Loko lang!” @ Gilbert Teodoro

3. MAR: “Ang isang mabuting ginawa ni GMA, inappoint niya akong DTI Secretary at hindi niya hinadlangan ang mga proyekto ko”

Sobrang na starstruck ako noong break nila sa isang part kasi nakaupo ako sa may tabi ng hagdan tapos umakyat si Senator Gordon bigla niyang tinapik yung braso ko tapos may sinabi siyang sobrang nakakatawa na para sa mga Atenista lang… :)) di ko na palalabhan itong damit ko! EVER! JOKE! =))

May isa ring sinabi si Senator Gordon. Ito ay, “Education shouldn’t be substituted to experience. They should complement each other.” astig. :P

Anyway, natapos din ang forum na masakit ang katawan ko dahil sa sobrang lamig nguni’t kahit ganito, sobrang natuwa ako kasi mukhang nagkakaroon ng pag-asa ang Pilipinas!

Bilang pagtatapos, babanggitin ko ang isang nasabi ni Senator Chiz Escudero. “Sa panahon ngayon, hindi lang pag-asa ng bayan ang kabataan nguni’t maaasahan na ng bayan.” Mabuhay ang kabataan!!!

First Post ever

Nalaman ko lang yung tumblr sa isa kong kaklase na ang pangalan ay Muhammad Aly… :)) di ko lang alam kung ano yung ilalagay ko rito… Wala namang nangyayari sa buhay ko ngayon na noteworthy. :))

current activiy: tambay with Jethro Diamante sa CTC Computer Lab… :p

suggested activity to the readers: search pictures of dogs in google… CUTE! :))